NATIONAL NEWS
Isang miyembro ng NPA sa Bukidnon, sumuko sa mga otoridad
By: C. Barrientos (Patrol 21) | 2013-Jun-04 - Tuesday | 02:34:00 PM
Isa na namang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagbalik loob na sa pamahalaan at isinuko ang kanyang sarili at armas sa 8th Infantry Batallion ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa Maramag, Bukidnon.
 
Kinilala ni army 4th Infantry Division spokesman Maj. Leo Bongosia ang sumukong rebelde na si Lanipao Gibangon Imboloki alyas Cablas.
 
Ito aniya ay miyembro ng sangay ng platoon pampropaganda 3, Guerilla Front 6, North Mindanao Regional Committee na nag-ooperate sa mga Barangay ng San Fernando sa Bukidnon.
 
Ayon kay Bongosia, si Gibangon ay sumuko dahil narin sa hirap at pagod na kanyang naranasan sa pamumundok na hinaluan pa ng diskriminasyon at sapilitang paglahok sa underground movement ng mga rebelde.
 
Samantala, si Imboloki ay kasalukuyang sumasailalim sa custodial debriefing at makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno sa ilalim ng “guns for peace” program ng Armed Forces of the Philippines para sa mga dating rebelde.

 


COMMENTS


			Philhealth
			pagibig

			Cebuana
			PM