NATIONAL NEWS
Mga residente ng Iloilo na apektado ng oil spill, pinauwi na sa kanilang mga tahanan
By: K. Villanoy | 2013-Dec-20 - Friday | 02:18:00 PM
Pinayagan nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng Iloilo na naapektuhan ng oil spill mula sa isang barge na nasira ng bagyong Yolanda.
 
Ito ay matapos bigyan ng clearance ng Department of Health (DOH) ang mga ito na umuwi na dahil ligtas na ang hangin sa lugar.
 
Nakita sa huling pagsusuri sa kalidad ng hangin na halos zero parts per million na ang benzene level sa lugar, mula sa dating 16.9 parts per million.
 

COMMENTS


			Philhealth
			pagibig

			Cebuana
			PM